O Juan, bakit ka nandyan sa sulok
Maganda ang araw, lumabas ka at maglaro
Hindi naman sayo lahat problema ng mundo
Hindi mo kailangan dalhin lahat ito
Pagkagat ng gabi
Kami ang iyong liwanag sa dilim
Sa twing ikay, nananalangin
kaming mga tala ang nakatingin
O Juan di ka naman nag-iisa
Marami kami sa iyo nag-aalala
buksan mo lang ang iyong mga mata
Tumingala sa nagbabantay na tala
Dahil pagkagat ng gabi
Kami ang iyong liwanag sa dilim
Sa twing ikay, nananalangin
kaming mga tala ang nakatingin
At pag hindi mo na kaya
Ikay tumingala sa tala
at iyong makikita
na hindi ka nag iisa
At pagdating ng umaga
wag kang mag-alala,
andyan lang ang mga tala
hindi mo lang sila nakikita
This is for all of you~~~ you know who you are. :D